top of page

       Siya si Eduardo Pausanos o mas kilala sa tawag na "Mang Eddie". Nakatira sa kalye ng Ubas, Bagong Barrio. Isang mapagmahal na lolo sa kaniyang dalawang apo na sina Gladimir Pausanos at Timothy Pausanos. 

       Siya si Eduardo Pausanos o mas kilala sa tawag na "Mang Eddie". Nakatira sa kalye ng Ubas, Bagong Barrio. Isang mapagmahal na lolo sa kaniyang dalawang apo na sina Gladimir Pausanos at Timothy Pausanos. 

Mga apo ni mang eddie

       Sa Maliit na kwarto na ito sila tumutuloy ng kaniyang dalawang apo, Si mang eddie ang pansamantalang nagbabantay sa kaniyang mga apo habang ang kanilang ina ay nagtatrabaho. Ang bahay ni mang eddie ay walang sariling linya ng kuryente dahil sa sila ay kapos palad, ngunit dahil sa kabutihang loob ng kaniyang kapit bahay ay binigyan sila nito nang libreng pagkabit sa kanilang kuryente.

Sa gilid naman nang kaniyang pinto siya nagluluto gamit ang lutuan na de uling.

(Loob ng bahay ni Mang Eddie)

    Ang bahay ni mang eddie ay hindi maihahantulad sa ibang bahay na maaliwalas, Maraming gamit na nakapalibot sa kanilang kama, mga maleta na naglalaman ng kanilang mga damit ngunit ang iba ay kaniyang itatapon na dahil sa ito'y sira na. Mayroon ding mga sirang gamit na bigay nang kanilang kapit-bahay na maaari niya pang magamit.

(Mga gamit sa pagkakarpintero)

    Si Mang Eddie ay marunong sa pagkakarpintero at kumikita nang apat na daan (400) kada serbisyo. Ito ay isa sa mga nagsisilbing pinagkukuhaan niya nang pangtustos sa kaniyang mga apo at mga gastos sa pang araw araw. 

    Araw araw siya ay gumising ng ala sais ng umaga upang dalhin ang kaniyang apo sa bahay nang kaniyang kamag anak para mas maging presko ang tulog nito, pagtapos siya ay babalik uli sa kaniyang bahay upang kunin ang kaniyang walis sa kalye.

Matapos magwalis ay magpapahinga saglit habang binabantayang naglalaro ang kaniyang mga apo. Makikipagkwentuhan sa kaniyang mga kaibigan habang naninigarilyo.

Babalik sa bahay ng kaniyang kamag anak upang tignan ang kalagayan ng kaniyang apo.

     Bibili ng gatas, Ang gatas na "Alaska" lamang ang abot ng bulsa ni Mang Eddie para ipandede sa kaniyang limang buwan na sanggol niyang apo.

     Matapos padedehin si Timothy ay sila naman ni Gladimir ang kakain sa maliit na papag sa kanto ng kanilang iskinita. Ang papag na ito ay nagsilbing kanilang pangalawang tahanan dahil tuwing mainit ang panahon dito sila natutulog ng kaniyang mga apo. Naglalatag sila ng malambot na sapin at magsasabit ng kulambot para sila ay makaiwas sa lamok ngunit kapag maulan, sila ay pumapasok sa kanilang bahay at doon magpapalipas ng gabi kung minsan naman dinadala niya si Timothy sa kniyang kamag anak at sila ni Gladimir ang matutulog sa papag.

Pag sapit nang gabi, kaniyang ibabalik na si timothy sa bahay upang linisan at patulugin.

Matapos linisan ay kaniya nang papatulugin ang mga apo, iaayos ang posisyon ng mga apo para siya din ay makapag pahinga na.

    Hindi man sinuwerte sa buhay, Swerte naman si mang eddie sa pagmamahal ng kaniyang mga apo. Hindi importante sa kaniya kung sila ay kapos palad, mas importante sa kaniya ay sama sama sila ng kaniyang mga apo at gagawin niya ang lahat para matustusan ang mga ito.

bottom of page