top of page

CASE STUDY

         Siya si Jayroll  Francisco o mas kilalang "Jay", isang nakilalang na pintor sa Pamantasan ng Silangan. Ang una nyang kursong kinuwa ay advertising ngunit di nag tagal nag palit sya ng painting. Upang mas matutukan nya at malaman ang takbo ng isang pintor at para sa kanya sobrang magiging limitado ang kanyang kaalaman kung ipagsasabay niya ang pagiging advertising student at ang kanyang pagpipinta. Ang kanyang buhay ay umiikot lamang sa pagpipinta dahil ito lamang ang gusto niyang gawin.

      Madalas inuubos niya ang oras niya mag isa o kasama ang mga kaibigan o sa pag iisip o pagbabasa ng libro para sa  konsepto para sa susunod na obra na kanyang lilikhain. Kahit na siya ay nakahiga lang sa isang sulok ay nagtatrabaho padin siya dahil para sa kanya ang pagpipinta ay isang proseso hindi lamang sa oras na ikaw ay nakaharap sa isang blangkong canvas at may hawak na brush/ pintura.. Kasama din sa proseso ang pagiisip at pagsasaayos ng kaniyang pyesa.

​

       Araw Araw papasok sa klase, magbabasa, magdodrawing, bibili ng pagkain ay ilan sa kanyang paulit uli na ginagawa tuwing umaga ngunit pagsapit sa gabi dito palang nagsisimula ang kanyang araw.

(Huling araw ng pagkuha ng gamit sa locker)

      Tuwing sila na uuwi na, Siya ang may pinaka maraming dala dala. Mga gamit sa pagpipinta bukod pa ang mga dala dalang gamit ng kaniyang kasintahan.

      Ang mahiwagang bag ni Jayroll, napakaraming laman mga magazines, pintura, gamit sa pagpinta at kung ano ano pa. Araw araw niya itong dala dala para kung sakaling may kailanganin siyang gamit ay madali niya itong magagamit. 

Pagdating sa kanto, tutuhog saglit pampalipas ng gutom bago umuwi...

     Isang stick para makapagisip isip saglit, para sa kanya ang pag yoyosi o pag inom ay hindi kahulugan ng pakikisabay sa uso (cool kid), nakakatulong daw ito sa kanyang thinking process.

​

​

​

     Matapos magyosi ay dadaan siya sa kanilang karinderya upang dalawin ang kanyang magulang at iba pang kamag anak..

(Kainan sa bahay ni Kuya)

     Pagdating sa kanilang karinderya ay kanyang sasalubungin ang kanyang napakabibong pamangkin at makikipaglaro. Dito niya iniiwan ang iba niyang gamit na kakailanganin kinabukasan dahil ang kanilang karinderya ay sa tapat lamang  ng kaniyang pamantasan. 

​

​

    Sa kaniyang paguwi ay nadaanan niya ang kaniyang mga kaibigan na nagkakasiyahan sa kabilang kainan..

      Ito ang kaniyang kwarto, puno ng mga obra, gamit pang pinta, mga bote, Tarantula, paborito niyang laruan, nakasabit na mga papel.

Aapir, tatagay, makikipag kwentuhan saglit bago umuwi.

(Naglalakad patungo sa kanilang tahanan)

Sa kaniyang Pagbalik..

(Paakyat patungo sa kaniyang kwarto)

     Hindi niya maitapon ang iba niyang mga gamit dahil nasa isip niya baka magamit niya ito sa ibang obra niyang gagawin. Hindi rin niya gusto na makalat ang kaniyang kwarto subalit sa tuwing siya ay magpipinta, hindi niya napapansin na unti unti na uling gumugulo ang kaniyang kwarto at dahil maliit lang ito at mayroon siyang madaming gamit, ikaw nya na mas gusto niya magpinta sa maliit na kwarto dahil kapag malaki ay mas nararamdaman niyang magisa siya. Inaayon niya ang kaniyang kwarto sa kaniyang mga obra, magulo. Kaya din marami siyang bote ay minsan kapag mag isa siya habang nagpipinta ay sinasabayan niya ito ng pag inom upang mas maka isip siya ng mga panibago konsepto.

      Didiligan ang kaniyang mga alagang halaman at magpapahinga saglit bago ihatid ang kaniyang kasintahan pauwi.

Dali dali niyang gagawin ang kaniyang mga bagong naisip na konsepto. Magpipinta hanggang sa siya ay mapagod at makatulog.

         Ang pagpipinta ay isa sa pinaka mahalagang bagay sa buhay ni Jayroll dahil dito niya nailalabas ang nilalaman ng kaniyang isip. Pangarap niyang maging conceptual artist, gusto niyang tema ay ang mga bagay na laging binabale wala dahil madalas hindi alam kung ano ang pinagsimulan ng problema na madalas hindi binibigyang pansin ng karamihan.

bottom of page